Rizal's Eduation in UST

ANG PAGPASOK NI RIZAL SA UST
Pagkaraang makatapos ni Rizal sa Ateneo nang may pinakamataas na karangalan, aynagtungo naman siya sa Unibersidad ng Santo Tomas upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Noong panahong iyon, panahon ng mga Espanyol, ang pagtatapos sa ilalim ng Batsilyer ngSining, ay katumbas lamang ng mataas na paaralan at unang taon sa kolehiyo kaya naman ito ayisa lamang kwalipikasyon upang makapasok sa isang unibersidad. Dahilan sa ipinamalas nakahusayan sa larangang pang-akademya, naging mataas ang pangarap ng kanyang pamilya parasa kanya kaya naman kapwa ninais ni Don Francisco, ang kanyang ama, at ni Paciano, kanyangnakatatandang kapatid, na makipagkarera siya sa isang unibersidad sa Maynila. Ngunit ang bagay na ito ay lubos na tinutulan ni Donya Teodora sapagkat tumatak ng lubusan sa kanyangalaala ang insidente kung saan binitay sa pamamagitan ng garrote ang tatlong paring martir, ang Gom-Bur-Za, sa harapan ng maraming Pilipino. Nabanggit pa nga niya minsan na sapat na angnalalaman ni Rizal at kung madadagdagan pa ito ay maaring mapugutan din siya ng ulo.Abril 1877, si Rizal, na halos mag- lalabing anim na taong gulang, ay nagmatrikula saunibersidad ng Santo Tomas. Noong una ay naakit si Rizal sa pagpapari, dahilan na rin sanamulat siya sa relihiyosong mga paaralan. Samantala, may mga paring Heswita naman nanagmungkahi sa kanya na kunin niya ang pagsasaka (farming) dahilan sa makakatulong ito sakaniyang pamilya. Ngunit ang pinagpipilian niyang tunay ay sa pagitan ng sining at abogasya.Kaya naman sa bandang huli, nagpatala siya sa kursong Pilosopiya at Sulat (Guerrero). Ito angkinuha niya dahil sa una, ito ay ang gustong kurso ng kanyang ama para sa kanya, at ikalawa hindi pa siya nakapagdedesisyon sa kung anong kurso ang kanyang dapat na tahakin.Nang panahong yon, dahilan nga sa hindi pa siya makapagdesisyon, ay sumulat siya sa Padre Rektor 
ng Ateneo na si Padre Pablo Ramon upang humingi ng payo sa kung ano ang dapat kunin ngunithindi agad nakasagot ang Pari pagkat siya ay kasalukuyan noong nasa Mindanao. Sa unang taonniya sa Unibersidad, nag-aral siya ng Kosmolohiya, Metapisika, Teodisya, at Kasaysayan ngPilosopiya.Matapos ang paghihintay ng isang taon, natanggap din ni Rizal sa wakas ang payo ngPadre Rektor. Iminungkahi nito sa kanya na ang kursong Medisina ang nararapat para sa kanya.Agad-agad naming sumunod si Rizal sa payong iyon, at nagpatala sa kursong Medisina (1878-1879). Bukod sa rekomendasyong ito ng pari, ninais na rin ni Rizal na kunin ang kursong itoupang magamot ang noo’y lumalalang pagkabulag ng kanyang ina sanhi ng katarata.
BUHAY ESTUDYANTE SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Ang Kursong Pagsasarbey sa Ateneo
Habang nag-aaral si Rizal sa kursong Pilosopiya at Sulat sa unang taon niya sa UST, aynagpatala rin siya para sa isang kusong bokasyonal sa dati niyang kolehiyo sa Ateneo. Noongmga panahong iyon, ang mga kolehiyong panlalaki ay may mga kursong bokasyonal tulad nalamang ng agrikultura, komersiyo, mekaniko, at pagsassarbey. Kinuha ni Rizal ang kursong pagsasarbey sa paniniwalang makatutulong ito sa pagpapa-unlad ng kanilang maliit na tanimansa Calamba. 
Nagkamit si Rizal ng gintong medalya sa agrikultura at topograpiya. Samantala, sa edadnaman na 17, ay naipasa niya ang eksamen sa kursong pagsasarbey na nagbigay sa kanya ngtitulong
 perito agrimensor 
(dalubhasang agrimensor). Ngunit, hindi agad naibigay sa kanya angtitulong ito pagka’t wala pa siya sa wastong edad, kaya naman naibigay lamang ito isang taongang nakalipas, noong Nobyembre 25, 1881. Nanatili pa ring matapat si Rizal sa kolehiyong 
ito kahit na sa UST na siya nag-aaralnoong mga panahong iyon. Hindi lamang siya nanguna sa larangang akademiko, ngunit pati narin sa pamumuno sa iba’t ibang organisasyon sa kolehiyo. Nanatili siyang aktibo sa mgaorganisasyong ito. Naging pangulo siya ng Akademya ng Literaturang Espanyol, kalihim ngAkademya ng Likas na Agham, at nagpatuloy sa pagigingaktibong miyembro ng at kalihim ng Kongregasyon ni Maria.
Pangunguna sa Larangan ng Sining at Panitikan
Dahilan sa si Rizal ay isang tunay na alagad ng Sining,ipinamalas na niya ang kanyang husay kahit noong nasaunibersidad pa lamang siya. 
Ateneo Municipal
 Nagkamit si Rizal ng gintong medalya sa agrikultura at topograpiya. Samantala, sa edadnaman na 17, ay naipasa niya ang eksamen sa kursong pagsasarbey na nagbigay sa kanya ng titulong  perito agrimensor (dalubhasang agrimensor). Ngunit, hindi agad naibigay sa kanya angtitulong ito pagka’t wala pa siya sa wastong edad, kaya naman naibigay lamang ito isang taongang nakalipas, noong Nobyembre 25, 1881. Nanatili pa ring matapat si Rizal sa kolehiyong ito kahit na sa UST na siya nag-aaralnoong mga panahong iyon. Hindi lamang siya nanguna sa larangang akademiko, ngunit pati narin sa pamumuno sa iba’t ibang organisasyon sa kolehiyo. Nanatili siyang aktibo sa mgaorganisasyong ito. Naging pangulo siya ng Akademya ng Literaturang Espanyol, kalihim ngAkademya ng Likas na Agham, at nagpatuloy sa pagigingaktibong miyembro ng at kalihim ng Kongregasyon ni Maria.
Pangunguna sa Larangan ng Sining at Panitikan
Dahilan sa si Rizal ay isang tunay na alagad ng Sining,ipinamalas na niya ang kanyang husay kahit noong nasaunibersidad pa lamang siya.“A La Juventud Filipina”. Ang Liceo Artistico-Literario, isang samahan ng mgamahihilig sa sining at panitikan, ay nagdaos ng isang paligsahang 
pampanitikan noong 1879. Naglaan sila ng isang natatanging gantimpala para sa pinakamagandang tulang maisusulat ngisang katutubo o mestiso. Ang tulang pinamagatang “A La Juventud Filipina” (Para saKabataang Pilipino) ay isinumite ni Rizal, na noo’y 18 taong gulang pa lamang, bilang panlabansa paligsahan.Gaya ang inaasahan, nakamit ni Rizal ang unang gantimpala. Pinahanga ng tulang niyangito ang inampalan na siyang binubuo ng pawang mga Español.Kapalit ng pagkapanalong ito, ginawaran siya ng isang gantimpala – isang pilak na panulat,hugis pakpak at dekorasyong gintong laso. Lubos na nasiyahan si Rizal sa atensyon at papuringnatamo niya mula sa kanyang mga malalapit na kaibigan, kapamilya at siyempre kasama na rinang mga propesor niya sa Ateneo. Ang tulang A La Juventud Filipina ay isang tula ng ispirasyon,at sa pamamagitan nito, ipinahayag ni Rizal ang hiling niya sa kabataang Pilipino na huwagmagbulag-bulagan at imulat ang kanilang mga mata sa nangyayayri sa kanilang paligid athayaang “pumailanlang ang kanilang talino sa sining at agham, at lagutin ang tanikalang pumipigil sa diwa nila bilang tao.” (Zaide). .
Itinuring ang tulang “Para sa Kabataang Pilipino” bilang isa sa mga klasiko sa panitikangFilipino pagka’t una, ito ay isang napakagandang tula sa wikang Español na isinulat ng isangPilipino na kinilala ng mga Español na awtoridad sa panitikan, at isa pa, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpahayag ng konsepto ng pagiging makabayan ang isang Pilipino, at hindiisang dayuhan, - na ang kabataan ang siyang magiging pag-asa ng bayan.
“El Consejo de los Dioses”.
 Nang sumunod na taon ay nagdaosmuli ng paligsahan sa panitikan ang Liceo Artistico-literario upangipagdiwang ang ika-apat na sentenaryo ng pagkamatay ni Cervantes, ang pinakadakilang manunulat na Español at siyang sumulat ng Don Quixote.Dahilan sa bukas ang paligsahang ito sa kapwa Pilipino at Español,maraming nga manunulat 
na kinabibilangan ng mga pari, mamamahayag, iskolae, at mga  propesor, ang lumahok. Hawak ang inspirasyon ng pagkakapanalo noong nakaraang taong sa parehong patimpalak, si Rizal na noo’y 19 na taong gulang ay naglakas loob muling sumali atisinumite ang kanayang dulang alegorikal na pinamagatang “El Consejo de los Dioses” (AngKonseho ng mga Diyos).Gaya ng nauna, binubuong muli ng pawang mga Español ang inampalan ng paligsahan.Matapos ang masusing deliberasyon, sa ikalawang pagkakataon ay iginawad muli kay Rizal angunang gantimpala kung saan nagkamit siya ng isang gintong singsing na may nakaukit na mukhani Cervantes. Samantala, si D.N. Del Puzo naman, na isang manunulat na Español, ang pumangalawa sa kanya. Mahigpit itong tinutulan ng Español na kumonidad sa Maynila, sa pangunguna na din ng pahayagang Español paka’t hndi nila matanggap na ang nagwagi ay isangindio.Ngunit nagmatigas ang inampalan pagka’t nakita nila na karapat-dapat parangalan anggawang ito ni Rizal. Masayang-masaya siya pagka’t napatunayan niya na “hindi lamang mgaEspañol ang may karapatang makahigit sa anumang larangan dahil kung mabibigyan ng pagkakataon ang mga katutubo ay kaya rin nilang maipakitana maari silang itapat sa kahit anumang lahi.”Ang nagwaging alegorya ni Rizal ay base sa mgatanyag na klasikong Griyego. Upang mabuo ang nasabingdula, si Rizal, bagamat estudyante na ng UST, ay tinulungan pa rin ng Padre Rektor ng Ateneo sa pangangalap ng mgakakailanganing materyales para matapos ang obra. Ipinakitani Rizal ang pagkakatulad nina Homer, Virgil at Cervantes.Pinag-usapan ng mga diyosa ang pagkakatulad-tulad ng mgakani-kanilang katangian bilang mga makata at sa huli ay nagpasya silang ibigay ang trumpeta kay Homer, ang lira kay Virgil, at ang lawrel naman kayCervantes. Ang alegorya ay masayang nagtapos sa pagsasaya ng mga ada, diwata, at iba pangmga tauhanng mitolohikal.
Iba pang Pampanitikag Gawain.
Bukod sa dalawang matagumpay na obra ni Rizal,marami pa rin siyang naisulat nang siya ay nag-aaral sa UST. Bagaman abala sa pag-aaral samedisina, nagkakaroon pa rin siya ng oras upang ipagpatuloy ang hilig niya. Ang ilan sa mganaisulat niya ay ang mga sumusunod:
1. Junto Al Pasig (Sa Tabi ng Pasig) – isang sarswela na itinanghal ng mga Atenista noongDisyembre 8, 1880, pista ng mmaculada Concepcion, ang Patron ng Ateneo. Isinulat niyaito nang siya ay naninilbihan pang Pangulo ng Akademya ng Literaturang Español saAteneo. Hindi ganoon katampok ngunit kakikitaan pa rin ng mga satirika ng mgamakabayang ideya ni Rizal.
2 .A Filipinas – (1880) sonata na isinulat para sa album ng Samahan ng mga Iskultor.Hinihikayat nito ang mga artistang Pilipino na magbigay-dangal sa Pilipinas.
3.  Abd-el-Azis y Mahoma – (1879) binigkas g isang Atenistang nagngangalang ManuelFernandez, noong Disyembre 8, 1879 bilang parangal sa Patron ng Ateneo.4.Al M.R.P. Pablo Ramon – isang tulang nagpapakita ng pagmamahal kay Padre PabloRamon, ang butihing Rektor ng Ateneo, na naging mabuti at matulungin sa kanya sahalos lahat ng bagay.
MALULUNGKOT NA ARAW SA UST
Bukod sa ligayang naranasan ni Rizal dahil sa pag- ibig na dumating at lumipas sa kanya,nakaranas din siya ng mga paghihirap sa unibersidad na ito.
Biktima ng Kalupitan ng Opisyal na Español.
Nang si Rizal ay nasa unang taon saMedisina, naranasan niya ang kalupitan ng mga Español. Isang madilim na gabi sa Calamba,naglalakad si Rizal sa kalsada. Hindi niya napansin ang lalaking nakasalubong niya kaya namanhindi niya nabati ng “Magandang gabi” o nasaluduhan man lamang. Natuklasan na lamang niyana isa pala itong 
tinyente ng Guardia Civeles nang nagalit at hinarap siya nito. Hinampas siyanito ng kanyang espada at sinaktan ang likuran. Hindi naman naging malalaim o malala angsugat ngunit napinsala pa rin nito ang pagato ni Rizal.
Si Rizal at ang Compañerismo.
Dahilan sa pagkakaiba ng mga lahi na nagaganap saunibesidad, laging nag-aaway ang mga estudyanteng Pilipino at Espanyol. Hindi natatanggap ngmga Espanyol na nahihigitan sila ng mga Pilipino kaya naman iniinsulto nila ang mga ito attinatawag na “Indio, chongo!” Samanatal, bilang ganti, tinatawag naman ng mga Pilipino angmga estudyanteng Espanyol “Kastila, bangus!” At dahil dito, madalas na nauuwi ang mga alitanito sa mga away lansangan.Dahil sa katapagan ni Rizal at sa husay niya sa eskrima at wrestling, nakilala siya sa mgaaway na tio. Kaya naman noong 1880, bilang kinikilalang kampeon ng mga estudyantengPilipino sa UST, itinatag niya ang isang sikretong samahan na tinawag niyang “Compañerismo”(Pagsasamahan). Samantala, ang mga kasapi naman ditoay tinawag na “Mga Kasapi ni Jehu”. Itoay isinunod sa pangalan ng isang heneral na Ebreo na nakipaglaban sa mga Arminiano at  
namuno sa Kaharian ng Israel sa loob ng 28 taon. Siya ang pinuno ng lihim na samahansamantala ang kanyang pinsang taga-Batangas na si Galicano Apacible ang nagsilbing kalihim.Isang beses ay nagkaroon ng away sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol sa may Escoltakung saan nasugatan si Rizal. Duguan, dinala nila si Rizal sa tinutuluyan nitong “Casa tomasina”kung saan masuyo niyang ginamot ni Leonor Rivera.
Dahilan ng Kalungkutan sa UST (Zaide).
Bagamat si Rizal at isang mahusay naestudyante sa Ateneo, maging sa UST, hindi niya nagustihan ang atmospera sa UST dahilan sainstutusyon ng mga paring Dominikano. Una, dahil sa hindi maganda 
ang tingin sa kanya ngmga Dominikanong propesor. Ikalawa, mababa ang pagtingin sa mga estudyanteng Pilipino. Atikatlo, sinauna at mapang- api ang pagtuturo.
DESISYONG MAKAPAG-ARAL SA IBANG BANSA
Pagkaraang matapos ni Rizal ang ika-apat na taon ng Medisina sa UST,nagpasya si Rizalna mag-aral sa Espanya. Agad siyang sinang-ayunan ng kanyang naktatandang kapatid na siPaciano, kasama na rin ang kanyang dalawang kapatid na babae, sina Saturnina at Lucia, kasmana rin si Antonio Rivera, ang mag-anak na Valenzuela at ilan pang kaibigan.Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi humingi ng permiso si Rizal sa kanyang mgamagulang dahilan sa alam niyang pipigilan lamang siya ng mga ito. Inilihim niya rin ito magingsa kanyang pinakamamahal na si Leonor Rivera dahil alam niya na magdadamdam lamang ito.Pati na rin ang awtoridad ng mga Espanyol ay walang ideya. Nanatiling sikreto ang kanyang pag- alis para makapagpatuloy ng pag-aaral sa liberal na bansa ng Espanya.
PAGLILINAW NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
“Kinamumuhian ni Rizal ang UST”. Ito ang palasak na paniniwalang sinusunod pa rinhanggang ngayon ng maraming mga sikat na manunulat at tagapagtala ng buhay ni Rizal(http://varsitarian.net) tulad nina Retana, Craig, Russel, Laudback, Coates, Hernandez, at Zaide.Maraming mga manunulat ang kumopya lamang sa mga isinulat. Ito ang ideyang sinikap baguhin ni P. Fidel Villaroel, O. P. katuwang na archivist ng UST sa kanyang akdang “Rizal andthe University of Santo Tomas” (UST Press, 1984). Sinabi ni P. Villaroel na wala ni isa sa mgamanunulat na ito ang nag-abalang tingnan ang mga orihinal na dokumento na matatagpuan saUST. Ang mga sumusunod ay ayon sa mga puntos na ginawa ni Villaroel sa kanyang pag-aaral.
Ang mga nakasaad sa ibaba ay mga ideyang binanggit ng ilang mga manunulat:
1. Hindi naging maganda ang ippinakita ni Rizal sa UST, at hindi siya gusto ng mga ParingDominikano
2. Nagkaroon ng Diskriminasyon sa mga Pilipino sa UST (Zaide)
3. Mababa ang pagtingin sa kanya kahit na ang kanyang kakayahan at talino ay mas higit samga Espanyol dahilan sa siya ay kayumanggi ang balat, isang Pilipino at isang Indio(J.M. Hernandez)
Ito at iba pang mga puntos ang pinasinungalingan ni Villaroel sa kanyang akda.
Hindi naging maganda nag mga grado ni Rizal sa UST at hindi siya tinrato ng mabuti ng mga paring Dominikano.
 Nang pumasok si Rizal sa UST noong 1877, kinuha niya ang kursong Pre-Law ometapisika (Pilosopiya at Sulat sa ibang libro). Dahilan sa ito ay tunay na interes ni Rizal, nakapasa siya sa unang taon ng may matataas na grado. Sumunod naman nito ay kumuha siya ngmedisina. Nang mga panahong yun ay kailangan munang kunin ang kursong pre- medikal bagomakuha ang kursong medikal. Ngunit pinayagan siya ng unibersidad na kunin ito ng sabay. Angkursong pre-medikal ay tinatawag din Ampliacion dahilan sa kukunin lamang ng estudyante angmas mataas na antas ng kursong Pisika, Kemika, at Natural na Kasaysayan na kinuha na nila samataas na paaralan. (Ito ay isang patunay na ang “Klase sa Pisika” ay hindi naganap sa USTkung totoo mang ang ito ay personal na karanasan ni Rizal.)Sa kursong medisina, mahusay ang ipinakita ni Rizal, ngunit hindi pinakamahusay – atwala ring pinakamahusay sa kanyang mga kamag- aral. Dalawampu’t isang mga “subject” angkinuha niya sa paaralang ito kung saan nakakuha siya ng isang aprobado (pasado), walong bueno (mahusay), anim na notable(mahusay na mahusay), at anim na sobresaliente (pinakamahusay).Ang isang normal 
na estudyante ay makokontento na sa mga ganitong grado. Maaaring hindi ngasiya nakontento sa ganitong grado, ngunit wala ni isa sa kanyang mga gawa ang nagpapakita nghindi pagkagusto at pagrereklamo sa patakaran ng UST.Isa pang puntos ay ang pagkukumpara ng kanyang grado sa grado niya sa Ateneo. Kungmapapansin, ang unibersidad ay mas mataas ang antas kumpara sa isang mataas na paaralan.Kaya hindi maaaring ipagkumpara ang galing niya sa Ateneo, kundi sa kanyang mga kamag-aral.Sa unang taon ni Rizal ay 24 silang kumuha ng medisina, ngunit dahil sa mga bagsak na gradolabing pito sa kanila ang natanggal at tanging piyo na lamang ang nakakuha ng hulingeksaminasyon noong ikaapat na taon nila. Sa ikaapat na taon na ito ni Rizal (at huli para sakanya), pumangalawa siya sa klase kung saan ang nanguna ay si Cornelio Mapa. Kung totoongsiya ay diniskrimina at hindi ginusto ng mga propesor sa UST, hindi niya maabot ang kanyangmga naabot sa unibersidad na ito, ang pagpayag pa lamang ng unibersidad na kunin niya angkursong pre-medikal at medikal ng sabay ay isa nang malakas na ebidensya na mali ang sinasabing karamihan sa mga manunulat.Base sa mga rekord ng UST, anim na mga Espanyol ang nakapagmatrikula sa kursongmedisina sa unang taon kasama si Rizal, kung saan tatlo ay Peninsular, at tato ay ipinanganak saPilipinas. Kung totoong pinaburan ng mga Dominikano ang mga Kastila, ang anim na ito dapatang natira sa para kumuha ng huling eksaminasyon. Ngunit, sa kasamaang palad, tanging isangKastilang ipinangank dito sa Pilipinas ang natira na nagngangalang Jose Resurreccion y Padilla, na may gradong aprobado (pasado) lamang, at sa sumunod na taon naman ay nakatikim ng pagkasuspinde. Isa pa ay ang dahilan kung bakit hindi ganon katataas ang nakuha niyang grado saunibersidad. Nasabi ni Leon Ma. Guerrero na marahil ay hindi para kay Rizal ang kursongmedisina, dahilan sa hindi na rin naman maitatanggi ang kanyang pagkahilig at galing sa 
siningkung saan nabibilang ang kursong Pilosopiya at Sulat. Ngunit para sa isang estudyante na hindinaman gaanong gusto ang kursong kinukuha, ang pagkakaroon ng mga gradong tulad kay Rizalay isa nang malaking biyaya. Nang pumunta si Rizal sa Espanya upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Medisina saUnibersidad ng Madrid, nakakuha rin siya ng mga gradong sobresaliente sa mga “subject” nakauganay sa mga humanistikong pag- aaral at nakakuha ng mga gradong sapat lamang para saMedisina. Pareho lamng ang kalagayan ni Rizal dito at sa UST ngunit hindi nabanggit nadiniskrimina siya sa paaralang ito.Lingid sa kaalaman ng nakararami, nagkaroon rin si Rizal ng mga kaibigang paringDominiko sa UST. Kaabilan dito sina Padre Evaristo Aria at Padre Joaquin Fonseca. Kungmatatandaan, sa mga panahong nag- aaral siya sa UST kung saan siya nakilala bilang isangmanunula. Habanag nasa Santo Tomas ay nalikha niya ang ilan sa mga pinakamamagalingniyang obra, kasama na rito ang A La Juventud Filipina na nanano ng unang gantimpala sa patimpalak ng Liceo Artistico- Literario.
Nilisan ni Rizal ang UST dahil sa sumusunod:
a)may ilang mga propesor na hindi niya nagustuhan sa unibersidad (P. Pastells, SJ, 1897)
b)hindi niya nagustuhan ang atmospera sa unibersidad (E. Retana, 1907)
c)sa kanyang klase sa medisina, may isnag propesor na binasa ang nakasulat sa librongunit hindi na pumayag na magtalakay at magtanong sa kanya ng tanong ukol ditokaya naman nawalan siya ng amor sa patakaran (Craig, 1909)d)dahilan sa ayaw sa kanya ng mga propesor sa Ateneo (Lauback, 1936)e)dahilan sa hindi naibibigay ng UST ang kinakailangang kaalaman, at ang gamit ng  paaralan ay wala, kung hindi ay kaunti lamang (D. abella, 1965)
Maraming mga manunulat na ang nagsabi ng iisang bagay sa daan-daang paraan. Angmga nakasaad itaas ay may iisa lamang na pagkakatulad: hindi ito binase sa kahit anongebidensya tulad na lamang ng mga aktwal na pakikipagsulatan ni Rizal o ang mismongtalaarawan nito. At kung meron man silang pinagbabasihan, tanging sa mga nobela lamang niRizal nila ibinatay ang konklusyon. Ang isang nobela ay isang kathang isip lamang kaya namanhindi ito maaaring pagbasihan ng mga katotohanan sa buhay ng tao. Kung ano ang totoong ibigsabihin ng mga sulat at letra sa kanyang nobela ay si Rizal lamang ang nakaaalam, kaya namanhindi maaaring gumawa ng interpretasyon base dito at sabihin iyon ay pawang katotohananlamang.Bilang paglilinaw, una, nabanggit na may isang propesor sa UST na tumanggingmagbigay ng eksplanasyon at sumagot ng mga tanong mula sa mga estudyante niya tungkol saitinuturo niya. (Pastels at Craig) Ang propesor na ito ay pinangalanan ni Craig bilang si Dr. JoseFranco na kalaunan ay naging kamag-aral ni Rizal sa Medisina sa Unibersidad ng Madrid. Ngunit kung iisiping mabuti ay imposibleng maging dahilan ito n pag-alis ni Rizal sa Pilipinas,lalung-lalo na kung hindi naman siya ibinagsak nito sa huling pagsusulit. Ipinakita rin ng mgakamag-aral niya ang pagpapatunay na wala siyang naka-alitang propesor sa UST pagkat ikinagulat nila ang biglaang pag-alis ni Rizal dahil wala naman silang nakikitang dahilan paradito.
Ang Kabanata XII Ang Klase Sa Pisika ng El Filibusterismo ay isang kabanata na sumsalamin sa buhay niya sa unibersidad at ang mga gawa niyang kontra sa mga prayle aynagpapakita lamag ng pagkamuhi niya sa Unibersidad.
 Nabago ng pamamalagi ni Rizal sa Europa ang paniniwala niya ukol sa relihiyon.Marami siyang binitiwang mga prinsipyo at mga bagay na haligi ng kanyang relihiyon hindidahil sa kinamuhian niya ng isang unibersidad na pinamamalakaran ng relihiyon 
kundi dahilansa nakasalamuha niya ang mga tang rasyonal at liberal ang kaisipan. Ang mga oag-atake sarelihiyon ay hindi naging kakaiba nang mga panahong yun dahilan sa halos lahay na ngunibersidad sa buong mundo ay may nagaganap na mga ganitong bagay. Nakaapekto ng malaki sa pagsulat niya ng El Fili ang nangyaring panggigipit ng mgaDominikano sa kanyang pamilya sa Calamba. Kaya maaring sabihin na nakaimpluwensiya ito sakanyang opinyon para sa mga paring dominikano na siyang nagpapatakbo s aUST kaya namanganun na lamang ang deskripsyong ginawa ni Rizal sa El Fili.Ang palasak na sinabi ni Retana at Coates na ang klase sa pisika ay isang repleksyon ng buhay estudyante ni Rizal sa UST ay isang ideya na walang pinagbabasihan. Isa pa, hindi kinuhani Rizal ang paunang kurso ng Pisika sa UST kundi sa Ateneo. Si Rafael Palma na kumuha ngPisika at Kemika sa Ateneo noong 1890 ay nagsabing ang mga pasilidad sa mga laboratoryo ayhindi sapat at bihirang gamitin, at ang kanya namang nakuhang grado sa Pisika ay “very poor”. Nagpapatunay lamang na hindi ni Rizal naranasan ang ganitong bagay sa UST, kung sasabihinna ito ay isang personal na karanasan nga. (Rafael Palma, My Autobiography, Manila 1953)

About the author

Camacho and Magsipoc
Blog about Jose P. Rizal, our National Hero

7 comments:

  1. he did not want his days in UST because the friars were not hostile to him and he saw the discrimination between filipino and spanish.

    ReplyDelete
  2. sa kabila ng hindi pantay na pagtingin noong mga panahon na iyon ay nanalo padin si Rizal sa Liceo Artistico Literario at nagkamit ng unang gantimpala kahit na may kasaling mga propesor. Magaling talaga syang magsulat.

    ReplyDelete
  3. Katamad mag basa bigay nyu sakin sagot Kong anong kursong kinuha ni Rizal:<

    ReplyDelete
  4. Potang Ina mo ..Hinde Yan Ang hina hanap ko

    ReplyDelete
  5. grabe naman tong mga studyanteng nasa comment section, ang lala niyo babasahin niyo na nga lang ayaw niyo pa gusto niyo agad instant na sagot samantalang andami niyong matutunan pag binasa niyo lahat ng iyan hay nako kabataan ang magpapabagsak sa bayan

    ReplyDelete

Copyright © 2013 Jose Rizal and Blogger Themes.